Lunes, Hunyo 18, 2012

Nasaan si Rizal?
                 For my fellow Filipino Generation.
    And to our youth's and Kids.


I.  Ako ay nagtataka at nagtatanong
Sa aking mga nababasa
Mga gulo at delubyo ng Bansa
paulet-ulit ng maraming beses.

Ako'y napapagod sa mga balita..
Wala naman kasing ka kwenta-kwenta
Puro pangungurakot at mga sakuna!
Ipinagmamalaki pa ng mga taga balita

Napapa kunot noo ako sa mga naririnig
Nandidiri sa mga nababasa
Wala na bang iba ang laman and balita
Mapa International  o Local news wala namang kwenta!

Ako'y nanaunuod ng TV mga sakuna lang
puro controversy hinde naman importante!
Naisip ko tuloy ang Libro ni Rizal
At ang katagang Ang Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan!

Ako'y nag isip at nagtanong sa sarili..
Kong totoo pa ba ang mga katagang Ito.
Ayoko sana mawalan ng pag asa
Inisip nalang na Baka bukas may Isa na.

NAng ma icheck ang sarili kahit ako ay kulang pa
HInde lang man katulad ng kay Rizal.
Hinde man ako Bihasa katulad niya
Pero alam ko may magagawa ako.

Natanong sa Sarili Nasaan na nga ba Ang Bansang ito?
Saan ba patungo ang BAyan ko?
Katulad ba kami ng mga umaangat ?
O maiiwan nalang at mababaon sa Limot.

Nasaan na ba ang mga Pag-asa ng bayan?
Isa ba ako sa kanila o wala na talaga.
Dasal ko sa Ama na sanay bumalik ang aking sigla
Nang mabigyan hudyat ang iba,,

Pag labas ko ng bahay mga bata'y hubad
Sa kaalaman talagang ayaw nila
Hamunin ko man ang sartili talgang di ko kaya mag-isa.
Kailangan ko ng gabay ng Lumikha.

Kabataan! Bangon,,huwag naman ninyo kalimutan
Ang Inyong misyon..
Tayo ay iisa na may ipaglalaban
Huwag naman sanang maging Makasarili
Sa pag tupad ng Pangarap ang bansa ay ISAMA!

SA DIYOS ay lumuhod, Lumuha at MAgdasal
Bigyan tayo ng gabay sa Tuwi-tuwina
Harapin ang bukas na May sigla
Ipag laban ang pangarap na May pag-asa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento